Nakakapagod din palang mabuhay, na susuko ka nang masaksihan ang mga nagaganap at lumalaganap, at sawa ka nang maranasan o magawa ang mga bagay na gusto mong gawin. Bagama’t gusto mo nang matapos ang buhay mo, ito’y sa kadahilanang pagod ka na o sawa ka na, subalit ayaw mo namang kitlin ang sarili mong buhay sa paraang gaya ng pagpapatiwakal. Ang mga may karamdaman o dinaramdam lamang ang sumusuong sa ganitong pagpapasiya dahil nawawalan ng pag-asa (gaya ng pagkakaroon ng malubhang sakit na walang lunas) o nawawalan ng kabuluhan sa kanya ang buhay (gaya ng naninibugho dahil sawi sa pagibig o nawalan ng mahal sa buhay). Read the rest of this entry »
Posted by diego rojo banaag 

